top of page
Search

A Conversation with Some of our S-Coolmates


Transitioning to online learning has been a challenge to both teachers and students as they needed to come up with innovative ways to make online classes more fun. In this week’s feature, let’s hear from VonJake and Maica, Grade 12 students from Tipas National High School, as they share all the new things they got to try out during quarantine and stories of how online learning became more exciting with Mind S-Cool.


How has life been in quarantine as a student?


Von: Quarantine plays a vital role in my life as a student and as a learner. It gives me a lot of time to spend with my family. It also enables me to explore and discover ... my hidden talents, and it ensures that my skills are improving everyday because wala naman po kaming ginagawa during quarantine.


Maica: Honestly po ‘yung quarantine sobrang nakaka-stress dahil po maraming challenges na binibigay sa’tin. Lalo na po ‘yung nawala pa ‘yung connection and bond with our friends physically. Araw-araw din po nagwo-worry na sana wala sa family ang maapektuhan ng virus. Despite po doon, marami rin pong naitulong ang quarantine sa’kin. Tulad ng paano maging physically and mentally strong. Natutunan ko rin paano ma-manage ang time very very well para makapagpasa ng requirements on time


Can you walk us through a day in the life of a Grade 12 student in quarantine?


Maica: Usually gumigising po ako ng 8:00 AM kasi 9:00-2:00 PM po ang klase namin. Paggising ko po ng 8 magbe-breakfast po and maliligo. When in class, ‘pag asynchronous ginagawa ko na ‘yung ibang activities po para pagkatapos ng klase ko magla-lunch na po at tutulong sa gawaing bahay. ‘Pag hapon po usually nag-eexercise kami tapos ‘pag gabi po ay gagawa ulit ng mga school requirements.


Von: Bigayan po ng aming module ay every Monday. So Monday morning po ay nagigising ako almost 7:00 AM then itutuloy ko po ‘yung activities na hindi ko natapos noong nakaraang araw. Then, kagaya po kay Maica, gagawin ko po ‘yung mga daily routine ko such as taking a bath, eating breakfast. After po ng class namin itutuloy ko na ‘yung activities and pagsagot ng modules. Pagsapit naman po ng gabi tuloy pa rin po pero may kaunting bonding with family. ‘Yung pagtulog ko rin po ay maaga dahil kailangan maaga rin po kinabukasan.


Were you able to pick up new hobbies or try out new things during the pandemic?


Von: Siguro hindi po siya new sa’kin kasi since bata pa ko ay mahilig na ko sa art. Ngayong pandemic po ay na-enhance lang po ‘yung skills ko when it comes to creativity. Ngayong pandemic po ay nahilig ako sa paggawa ng sketches or art works such as painting, drawing, illustrations. Ang gamit ko lang po ay illustration board at oil pastel. In fact po, nag-join po ako doon sa [BGC Arts Center] in partnership with Uratex, ‘yung You Art Not Alone. Nahilig din po ako sa dancing.


Maica: Nag-aral and natuto po akong mag-bake and magluto kasi nakakatanggal po ng stress.


How has remote learning been for you and has Mind S-Cool Online (MSCO) helped you learn during this time?


Maica: For me po, ‘yung remote learning sobrang hirap niya compared sa face-to-face class. There are times na ayoko na pero sinasabi ko na lang sa sarili ko na “Girl kaya mo yan! Wag kang iiyak ‘di masasagutan ng luha mo ‘yung mga modules mo.” Haha!


‘Yung MSCO naman po, sobrang helpful niya ngayong Grade 12. Dahil sa MSCO, nare-refresh po ‘yung mga topics sa science and mas nagiging creative po and nakakagawa ng experiments. MSCO really proves that science is fun and amazing.


Von: ‘Yung remote learning po noong una, it wasn’t easy dahil po ‘yung internet connectivity ‘di po tayo parepareho depende po sa place natin. Then nasanay na po kami kaya nakaka-adapt na po kami sa online learning. And then, mas nabibgyan po ng time ‘yung sarili naming magkaroon ng new ideas from our teachers and innovators. ‘Yung MSCO naman at Mind S-Cool TV have great impacts on my studies and my hobbies. I’m interested in science and art so they really help me explore new things. Sabi nga ng iba, explore lang nang explore.


Halimbawa po, ‘pag kailangan po ng ibang kaalaman wag po tayong mapagod na tumuklas ng ibang kaalaman. ‘Yung MSCO po ay naghahatid sa amin ng bagong kaalaman ito rin po ay nakakatulong para masagot ‘yung mga curiosity na nananatili sa aming mga isip. And it helps us to be more like a scientist. dahil po may mga scientific experiments dun na gusto naming gawin. I’m excited po sa mga susunod na episodes dahil ang MSCO ay hindi lang para sa mga bata pero pati rin sa mga pamilya.


Were you able to try out any of the experiments from MSCO? If not, which of the experiments are you interested in trying out at home?


Von: Ang gusto ko pong subukan sa mga experiments ay ‘yung Milk Planet because ... it’s doable and kayang gawin sa bahay, hindi na po namin kailangang bumili ng mga materials since ‘yung mga materials doon ay makikita na sa bahay. I also I think it’s fun and will give me satisfaction on my interests.


Maica: I already did “Can You Unmake A Pancake''. Like I’ve said before I enjoy cooking and it’s fun kasi ‘di mo lang gagawin ‘yung normal pancakes, lalagyan mo rin ng different shapes and colors. It’s fun and exciting and my nieces enjoy it also.


What are you looking forward to the most pagbalik ng face to face classes?


Maica: I’m looking forward to new great experiences when face to face classes resume. It makes me excited to bond again with my friends and teachers and do some experiments with them. Especially Ma’am Cherry and Von.

Kanina po, Von and I were talking kung ano nga po ‘yung nilu-look forward naming dalawa. Ang sabi po namin we want to visit The Mind Museum again and do experiments with the Mind Movers.


Von: I’m looking forward na makatapak po ulit sa apat na corners ng room namin kung saan nagbibigay po sa’kin ng maraming kaalaman. I’m also looking forward to seeing my teachers and classmates kasi sila po ‘yung nagbibigay sa’kin ng motivation and happiness, especially Ma’am Cherry. Isa po sila sa inspiration namin para magpatuloy po sa pag-aaral dahil they give us motivation and they share their knowledge and expertise about their subjects. Nami-miss ko rin po ‘yung friends ko na part pa rin ng life ko kahit nag pandemic.

Second po, ‘yung tour sa Mind Museum dahil nami-miss ko ‘yung mga things sa museum na bihira lang naming makita kasi parang ang out of this world, minsan ko lang po siya makita in real life.


What are your plans after graduating Grade 12?


Maica: Ang balak ko po ay kumuha ng Bachelor of Science in Accountancy dahil bata pa lang po ay gusto ko na ‘yun.


Von: Ang first choice ko po ay kumuha ng major sa Education at kung papalarin po ay Social Science kasi ‘yun po ang interest ko. Kasi sa pagpili po ng course, kailangan po buo ‘yung loob niyo at nandoon po ‘yung interes niyo para walang pagsisisi sa huli. Kailangan niyo po pumili ng course kung saan ka sasaya para ma-meet niyo rin po ‘yung satisfaction niyo as an individual.


***

Subscribe to Mind S-Cool Online and enjoy our S-Cool Year Pass--your 1 yr subscription to fun science & art K-12 aligned video-lessons & resources, for only P1,800 (save P440).

Sign up now and watch Episode 1 for free!



For more summer science promos, visit www.mindscoolph.org/promos


Follow us on Facebook & Instagram @MindSCoolPh and subscribe to our YouTube channel Mind S-Cool, your digital marketplace for science and art ideas!







175 views0 comments

Recent Posts

See All

Kommentare


bottom of page